‎#PBBUnliday : First Evicted Lordwin 


Farewell, Lordwin

 Dama ng manonood ang tensyon na namamagitan kina Lordwin, Mark, Kim, at Erica--ang apat na nominees for eviction. Hawak kamay sila nang simula nang sabihin ni Toni kung sinu-sino sa kanila ang safe at mananatili pa sa loob ng bahay. Unang binanggit ang pangalan ni Mark, kasunod ng kaniyang girlfriend na si Kim, at finally si Erica. Naiwan si Lordwin at nang malaman na siya ang aalis ng bahay, napaiyak si Erica na minsan nang nag-offer na kausapin si Kuya para siya na daw ang umalis at maiwan si Lordwin sa loob ng bahay. Naiiyak na nasabi ni Erica na si Lordwin ang gusto niyang maiwan sa bahay.

Pinili ng mga Housemate na maging nominee for eviction si Lordwin dahil sa madalas nitong pag-utot sa loob--bagay na talagang ikinainis     mga kasamahan niya. Pero kahit pa man naiirita ang mga kasama sa kaniya, hindi rin maitatanggi na ang kabaitan ng Housemate na ito at ang bond na nabuo between him at kay Unad, ang best friend niya sa loob ng bahay. 

Ilang beses nang mag-audition ni Lordwin para maging Housemate, ang dahilan ay para mabigyan ng magandang buhay ang kaniyang pamilya. After he was nominated for eviction, napag-isip si Lordwin at nasabi na kung sakaling siya ang unang lumabas ng bahay, babalik sa pangingisda. "Napakahirap no'n," sabi niya, "dahil umaasa ka sa swerte. May anak ako, gusto kong hindi maghirap ang pamilya ko." Nang nalaman ito ni Erica, dito na siya nag-offer na maunang umalis, pinagbawalan siya ni Lordwin na gawin yon at sinabing sa hirap na dinanas nila para makapasok ng bahay, dapat hindi sila sumuko.

Malungkot man ang paglabas ni Lordwin mula sa PBB Day House, ang ibig sabihin naman nito ay makakasama na niya ang pamilyang na-miss niya mula nang maging Housemate. At ang masasabi naman namin? Go lang ng go, Lordwin! Huwag kang susuko! 

 
 

 ‎#PBBUnlinight : First Evicted Diane

Dealing with Diane's eviction

Naging pamilya na ang turingan ng Unli-Night housemates sa bawat isa, kaya't hindi naging madali ang experience ng kanilang unang Eviction Night. Malungkot man ang housemates sa naging paglabas ni Diane mula sa bahay, pinilit na lamang nilang tanggapin ito bilang parte ng kompetisyon. 

Despite this, pinilit na lamang ng housemates to cope with the loss and still carry on with their activities for the night. Ang ibang housemates ay nagkwentuhan sa sala and tried to distract themselves. Ang ibang boys naman, ay nagpalitan ng jokes sa kanilang bedroom, just to keep things light. 

 

 #PBBUnliday: Forced Evict Reg


Ngayong gabi lang nalaman ni Reg ang hatol sa kanya ni Kuya na forced eviction. Sinabi ni Kuya na bukod sa madalas niyang di pagsusuot ng lapel mic ay major rule ang kanyang nilabag nang sabihin niya kina Mark at Luz ang mga nangyayari sa outside world. Kinailangan na magpaalam ni Reg din the same moment and he wished everyone luck. 

A few days ago pa ay alam na ng ilang housemate na nagkaroon ng paglabag si Reg at paalisin na nga siya sa bahay ni Kuya. Nagtawag naman ng isang open forum si Paco para lang maalis ang mga bigat ng kanilang saloobin kay Reg na wari nila ay nagbago noong ito ay hindi na isang Power Stranger. Tinanggap naman ng maluwag ni Reg ang mga sinabi ng mga housemates at ikinwento din ang kanyang buhay pamilya at madalas ay may misconceptions sa kanya ang mga bagong kakilala pa lamang. 

Sa labas ng bahay ay sinalubon si Reg ng kanyang ina. Masaya naman si Reg sa kanyang naging experience sa loob ng bahay at ito daw ay hinding-hindi niya makakalimutan.  

This free website was made using Yola.

No HTML skills required. Build your website in minutes.

Go to www.yola.com and sign up today!

Make a free website with Yola